Chapter 4......Chinese Food....

2033 Words
Sassy pov.... " Naku Sharmela! Grabee,,,nakakaloka ang mga nangyaring kamalasan sa akin nitong buong araw," sabi ko habang sinisimulan kung haluin ang halo halong bigay sa akin ng kaibigan ko. " Chill ka lang girl,, atlist naka uwi ka ng safe, mabuti pa'y kainin mo na yang halo halo libre ko sa'yo, ng lumamig lamig naman yang mainit mong ulo," utos ni Sharmela sa akin habang sinimulan na din niyang tikman ang halo halo niya. Tumikhim muna ako ng isang kutsarang halo halo mula sa plastic na basong hawak ko at saka ko ipinagpatuloy ang pag kukuwento. " Kung alam mo lang kung papano akong nakiusap doon kay manong driver kanina, dios mio! Daig ko pa ang pulubi kung mag makaawa,kaloka talaga girl! " " Ano ba kasing nangyari? " " Magbabayad na sana ako ng pamasahe ko, pero ng dudukutin ko na ang wallet ko sa bulsaa ng pantalon ko ay wala na ito! " " Ano yun? Nadukutan ka? " tanong ni Sharmela. " Hindi siguro, Baka na mis- place ko lang." sagot ko. " Ano ba yan Sassy! Papano ngayon yan? Lagot ka kay Tita Bethany! " " Kaya nga problemado ako Sharmela, kasi bukod sa identification card ko ay nandun din sa wallet ko yung perang ibinayad sa akin ni Tita Rosa, inaasahan pa naman sana yun ni Tita na pambayad ng tubig at kuryente! " " Bakit kasi hindi mo inilagay sa bag mo? Eh may bag ka naman na maliit. " " Hay naku! Huli na ng maisip ko ang bagay na yan." " Message mo na si Tita sa f*******:, sabihin mo na mawala yung wallet mo, atlist maaga pa lang ay alam na niya." " Ay ayoko nga! Nagkakasiyahan sila ng mga kaibigan niya ngayon, ayokong ma-bad trip bigla si tita Bethany dahil sa katangahan ko! " Saglit akong narigil sa pagsasalita at natulala ng biglang sumagi sa isip ko si Daniel. Ang lalaking hindi ko inaasahang makikita kung muli. Sa panandalian kung pag tahimik ay napuna ako ni Sharmela. " Hoy! Sassy ba't natahimik ka? Para kang namaligno! " " Alam mo girl, napansin ko lang na parang hindi yata umaayun ang araw na ito sa akin, dahil bukod sa nawalan ako ng wallet ay nakita ko na naman yung lalaking nakabunggo sa akin ng nasa Quiapo ako. " " Talaga! Yung lalaking ikunukuwento mo sa akin na hambog at mayabang! " " Korak! At pamanagkin pala siya ni Tita Rosa! " " Wow naman! Ang liit naman ng mundo para sa inyo ng lalaking yan! " " Sinabi mo pa! Ewan ko ba, sa dinami dami ba naman ng makakaharap ko eh yung lalaki pa talagang yun na hagga't maari sana ay ayoko ng makita!Sana naman huwag na mag krus ang landas namin uli! " Nasa kasarapan kame ng pag kukuwentuhan ni Sharmela at malapit na ding maubos ang halo halong kinakain namin ng bigla na lang may kumatok sa pinto ng sala.Bigla akong natahimik. Nagkatinginan kame ni Sharmela. " May inaasahan ka bang bisita?" Tanong sa akin ni Sharmela. " Wala naman! Kakarating ko lang kaya! " " Baka yung Tita mo na yan Sassy! " " Hello! Kung si Tita Bethany yan di sana pumasok na lang yan dito, o hindi naman kaya ay narinig ko na ang boses niya." " Naku! Baka meralco na yan at naniningil na! " nagaalala wika ni Sharmela. Napansin ng kaibigan ko na kabado at tensionada ako. Kaya inilapag na niya sa center table ang basong hawak niya at saka siya tumayo para buksan ang pintuan. " Good afternoon Ma'am,,,dito ba nakatira si Esseydra Dimayacyac? " Biglang nanlaki ang mga mata ko kasabay ng pamumula ng matataba kung pisngi ng marinig ko ang isang pamilyar na boses. Umaasa ako na sana'y hindi si Daniel ang nasa labas. Bigla akong tumayo at dali daling nag punta sa direksiyon mg pintuan. At ng makarating ako ay bigla akong estatwa ng makita ko ang bulto ng lalaking bisita. Dahil hindi nga ako nag kamali. Si Daniel mismo ang nasa harap ko ngayon. " ikaw!? Anong ginagawa mo dito? " nagtatakang wika ko. " Excuse me! Ganyan kaba talaga humarap sa bisita mo? " Tanong ni Daniel. Napatingin ako kay Sharmela. Kusang tumaas ang isang kilay ko ng makita ko siyang nakangiti at nakatulala sa mukha ng lalaki na halo's maglaway na ang bibig niya. " Hoy! Ano ba nangyari sayo!? " Tinapik ko ang balikat ni Sharmela. " Ayyy,,,sorry naman!" Gulat na sahi ni Sharmela na tila nahimasmasan sa mahabang pagkakatulog. Napatingin sa akin si Sharmela pero segundo lang at inilipat na kaagad niya ang paningin kay Daniel. " Hay pogi! " kinikilig na sabi ni Sharmela. Bahagya kung hinawakan ang siko ng malandi kung kaibigan at saka ako bumulong sa tainga niya. " Umayos ka nga hindi mo ba alam na ang lalaking nasa harapan mo ngayon ay ang ikinukuwento ko sayo na mayabang at_. " " Eh may karapatan naman pala talaga siyang magyabang dahil guwapo pala talaga siya,,,omg chinese food teh." nakangiting sabi ni Sharmela na hindi talaga inaalis ang paningin kay Daniel. " Utang na loob, umayos ka Sharmela. " may halong inis na sabi ko. " Anyway hindi din naman ako magtatagal, I'm here to give it back to you." sabi ni Daniel sabay abot sa akin ng wallet. Agad na gumuhit sa mukha ko ang matamis na ngiti ng makita ko sa kamay ni Daniel ang wallet ko. " Papano na punta sa'yo yan? " " Naiwan mo lang naman sa kotse ko! " kaswal na sagot ni Daniel " Naku! Maraming salamat papa pogi! Kanina pa nag aalala itong kaibigan ko dahil sa wallet na yan eh! Hindi ka lang guwapo honest kapa! Buti pay pumasok ka muna para maka relaxed relax man lang. " sabi ni Sharmela. " Okay lang ba? " tanong ni Daniel. " Eh ang akala ko ba aa_ " Hindi na pinatapos ni Sharmela ang sasabihin ko. Bagkus ay hinila na niya ka agad ang lalaki papasok sa sala. Pagkatapos ay saka niya inalok itong umupo. Natulala na lang ako at hindi na halo's maka pag salita dahil sa bilis ng mga pangyayari. " Sas! Ipaghanda mo kaya siya ng maiinom! May soft drinks kayong tinda di ba? " Nagatapon muna ako ng isang matalim na tingin kay Sharmela na tila nagsasabing " Humanda ka sa akin mamaya! " bago ako nagpunta sa tindahan para kumuha ng isang bote ng soft drinks. Masayang kinausap ni Sharmela si Daniel na para bang matagal na silang magkakilala. Habang nagkukuwnetuhan sila ay ako naman ay walang imik at tahimik lang na nakamasid sa kanila. Halata sa mukha at mata ng kaibigan ko ang kiligin. Bagay na hindi ko naman mapigilan sa kanya. Lumipas ang sampung minuto at nag paalam na si Sharmela sa akin dahil sa may raket pa daw siyang pupuntahan mamayang gabi. Pinigilan ko siya na huwag muna umalis kaso mapilit talaga ang bruha. Kaya ang the end ay naiwan kameng dalawa ni Daniel sa sala. Panandaliang katahimikan ang namayani sa amin hanggang sa ako na mismo ang naunang mag salita. " Salamat pala uli sa pag sasauli mo ng wallet ko. " " Wala yun! Pinaghirapan mo naman yan! Kosensiya ko pa pag hindi ko isinauli yan sayo! Baka mamaya wala kang maibili ng pagkain," sabi ni Daniel sabay inom ng sofdrinks " Pasesiya kana din sa kaibigan ko! Lumalabas ang pagiging baliw niya pag nakakakita ng_" " Guwapo!" Awatimatikong tumaas ang isang kilay ko sa salitang binigkas ni Daniel. Pero mas minabuti ko na lang muna ang tumahimik dahil totoo naman talaga ang pinagyayabang niya. At sa pagkakataong ito ay ako ang may mali. Dahil kung hindi ko naiwan ang wallet ko sa kotse niya ay hindi sana ay wala siya sa harapan ko ngayon. " Ang ganda ng pangalan mo ah! Esseydra Dimayacyac,,,,Bagay na bagay sa'yo,,yakkkk!" " Alam mo kung hindi ka lang nakagawa ng kabutihan sa akin, ay kanina ko pa isinaboy yang soft drinks sa pag mumukha mo ng matigil na yang pang aasar mo! " Natawa na lang si Daniel sa sinabi ko. Lumitaw na naman ang mga ipin niyang pantay pantay na sinabayan pa ng malalim na biloy sa pisngi. Aminado akong kinikilig pero hindi ko ito pinapahalata. Maya maya ay biglang kung narinig ang boses ng alaga kung pusa na si Blake na tila na nagmumula sa ilalim ng sofa kung saan naka upo si Daniel. " Meow,,,,meow,,,,meow " Hindi ko inaasahan ang reaksiyon ni Daniel. Bigla siyang nangatog sa takot kasabay ng panginginig ng boung kalamnan niya. " M-may p-pusa k-kayo? " nangangatal na sabi niya. " Yup! Si Blake ang black cat na kasama ko dito sa bahay." Biglang napaangat si Daniel sa kinauupuan niya ng lumabas mula sa ilalim ng sofa si Blake at tumakbo papunta sa akin. Niyakap ko ang alaga kung pusa at saka hinimas ang ulo nito. Pinagmasdan ko si Daniel na nammumutla sa takot. Biglang gumuhit ang ngiti sa mukha ko. It's my turn para makabawi sa kayabangan ng lalaking ito. " Takot ka sa pusa? " Hindi makasagot si Daniel. Tumango lang ito na parang isang bata. Tumayo ako sa harapan niya habang buhat ang pusa ko at saka ako tumingin mg matalim sa mga mata niya na tila isang serial killer. " Alam mo ba? Owning a cat can bring unconditional love and companionship to your life,having a feline can also help to relieve stress and improve your heart health, bukod pa don ay nagtataboy din sila ng masasamang elemento, ngayon ay alam ko na kung bakit ka takot sa pusa, kasi isa kang masamang elemento nandito sa loob ng bahay ko." " Sassy,,p-plesse I-ilayo mo na siya sa akin," nagmamakawang sabi ni Daniel. " Uyyyy,,,,ikaw ba yan? Nasaan ang tapang mo? Ba't ka nagmamakaawa? " Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng habag ng makita ko maamong mukha ni Daniel na nagmamamntika dahil sa dami ng pawis na tumutulo dito. Kitang kita ko sa mga singkit niyang mga mata ang takot at pamumutla. Kaya ibininaba ko na si Blake at pinapunta ko na sa kusina. " Thanks!" anito na tila nakahinga ng maluwag. " Nakakatawa ka! Hindi umubra yang laki ng katawan mo isang pusa, grabee ka! Pusa lang pala katapat mo!" sabi ko sabay upo sa sofa. " Bata pa lang ako ay may Ailurophobia na ako, kahit simpleng kuting lang ang makita ko ay takot na takot na ako." " Eh ba't di ka mag pa therapy? Mukang kaya naman ng bulsa mo? " " Maraming ng Doctor ang sinubukan kung lapitan, kaso bigo silang pagalingin ako at isa pa_" Hindi na naituloy ni Daniel ang sasabihin ng makita niya si Blake na lumabas mula sa kusina at naglalakad papunta mismo sa direksiyon niya. " Bye! Alisn na ako! " sabi niya sabay tayo at lumabas na ng bahay. Samantalang naiwan naman akong mag isa sala at parang akong isang baliw na tawa ng tawa dahil sa itsura ni Daniel..... ********************* Daniel POV.... Kasalukuyan akong naka upo dito sa driver seat at pinapakalma ang sarili ko. Hindi ako pwede magmaneho ng may takot sa dib dib. Baka kung ano pang mangyari sa akin sa daan. Nakakainis! Pag dating sa suntukan ay wala akong inuurungan. Pero pag pusa na ang kaharap ko ay daig ko pang na bogbog. Ang masama pa nito ay nalaman ni Sassy ang kahinaan ko. Puwede niyang gamitin sa akin yun pang asar. Ayoko man pero mukang makikita kung muli ang babaeng yun dahil mukang gusto siya ni Tita Mommy maging regular na manicurista. Pero ang may isang bagay na hindi ko maipaliwanag. Bakit sa kabila ng itsura ni Sassy na mataba at hindi kagandahan ay masaya ako pag nakikita ko siya? I know my self well. I like beautiful and sexy women. Gaya ng ex girlfriend ko na si Phoebe. Pero hindi naibibigay ng mga babae na yun kahit pa si Phoebe ang mga tawa at saya pag nakikita ko Sassy. Hindi kaya,,,,,,,oppss,,,, huwag naman sana. Hindi ako puwede magka gusto sa kanya.. Nagkibit balikat na lang ako. Binuhay ko muna na ang makina ng sasakyan at saka ako tuluyang umalis.... Itutuloy.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD