Xiara's POV "A-ah, sige po Mr. Chromewell. Mauna na po ako kasi m-may aasikasuhin pa po ako para sa engagement party niyo eh. Excuse me." paumanhin ko atsaka nagmamadaling pumunta sa likod ng event hall na iyon. Napahawak ako ng mahigpit sa aking dibdib at umupo sa may malaking bato. Hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong gawin sa harap niya. Para akong bulkang sasabog kanina kung hindi ko lang kinalma ang sarili ko. Im out of words so as he is. "Wriella umayos ka pwede ba? Hindi ka na teenager para maggaganyan." saway ko sa sarili ko kahit magmukha pa akong baliw. Malamig ang simoy ng hangin dito sa inuupuan ko kaya kahit papaano ay napapakalma nito ang puso ko. Malamig man pero mas titiisin ko ito kaysa naman makita sa loob si Simon. Haayy. "Xiara.." napatayo ako ng tuwid na

