Xiara's POV Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng kulay sa mga nakikita ko. Nagmamadaling naglakad ako sa pwesto ni Pia habang nakatutok ang atensyon ng lahat kay nila Simon at sa fiancee nito. Nang makalapit na ako rito ay hindi ko mapigilang mapakita abg pagkainis ko sa kanya. "Pia! Ano bang pumasok sa kokote mo at dinala mo rito ang anak ko?! Nahihibang ka na ba?!" nanggagalaiti kong wika ngunit sa mababang tono lamang. Ayokong makaagaw ng atensyon ng iba dahil kung mangyari iyon, tiyak na maaaring magpang-abot si Simon at ang anak ko. "Sa labas tayo mag-usap, Xiara Wriella. Gusto kitang sabunutan pero hindi ko magawa rito." wika nito na mayroong seryosong mukha. Tinalikuran pa ako nito. Hindi ko naman alam ang gagawin ko. Paano ang anak ko? Ayoko namang makita niya na nakikipag-sigawa

