Xiara's POV Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang maliwanag na sikat ng araw. Nakaramdam din ako ng mabigat na bagay na nakadantay sa tiyan ko. Paglingon ko ay nakita ko ang maamong mukhan na mahimbing na natutulog. "Simon.." napabulong na lamang ako at hindi ko maiwasang mapalunok ng tumambad sa akin ang walang pang itaas nitong katawan. Haruyyjusko po! Magkakasala pa yata ako! Pero bago ang lahat, galit nga pala sa akin ang lalaking ito kaya paano ko pang nagagawang isa isahin ang magagandang katangian nito. Maingat kong tinanggal ang mga kamay nito at umalis sa kama. Pero bago pa ako makatayo ay may humatak na sa beywang ko kaya hindi ko maiwasang mapatili. "Where the hell are you going, Xiara Wriella?" paos na tanong nito at naramdaman ko pa ang mabang

