Xiara's POV Matapos ang gabing iyon ay hindi na muli ako kinausap ni Kuya. Galit siguro siya sa akin dahil pati si Ate Hachima ay dinamay ko pa sa usapan. Tinignan ko ang kalendaryo at isang linggo na lang ang natitira. Minove din ang araw ng party dahil sa nagkaproblema sa schedule ng mga magulang nila Simon. At mismong araw ng party ang huling pagkakataon ko para makasama si Simon. Hindi ko maiwasang makaramdam ng emptiness sa buong pagkatao ko. Pero kasi naman eh. Napamulagat ako ng may kumatok sa maliit na paupahan na tinitirhan ko ngayon. Matapos din kasi ang araw na iyon ay naghanap ako ng mura na matitirhan para na din makatipid lalo pa at dumoble ang bayarin sa ospital ni Itang. Malakas ulit na may kumatok sa pinto kaya naiirita ko iyong binuksan. At hindi ko maiwasang mapanga

