Xiara's POV Pagbalik ko sa pwesto ko ay katulad ng dati, hindi ko sila sinulyapan. Nagsimula na lamang ako sa pagtatrabaho ko para hindi ako matambakan. Kaysa naman magmukmok ako at intindihin ang paglalandian nila ay mas mabuti pang mag-focus ako rito. "Akala ko pa naman you'll going to fire that b***h na pero.. Argh! I hate her!" maarteng angal nito. Napairap naman ako sa kawalan. Leche siya kamo. "Hindi ako mababaw na tao, Marie. Bakit ko naman siya tatanggalin kung walang sapat na basehan. Business is business and I don't mix issues with my personal life." walang ganang tugon nito. Napangiti naman ako. Shet, baliw na nga ata ako. Nagwalk out naman iyong mahadera kaya naiwan na lang ulit kaming dalawa sa kwartong iyon. Namayani ang katahimikan sa loob ng silid na iyon nang tumikhim

