Nakabili na ako ng sim card. May naglo-load naman sa mismong resort kaya pagtiyagaan ko muna ang free load nito. Buti na lang nakauwi ako ng maayos. Hindi ko inaasahan na may makakakita sa akin sa mall. Grabe ang kaba ko kanina. Buti na lang at nalusutan ko ang pagkakataong iyon. Ngayon ay pinagmamasdan ko ang cell phone na binilis ko. Pinag-iisipan ko pa kung paano ko makukuha ang contact number ni Manang. Tiyak na ang telephone number ng Mansion ang puwede kong tawagan. Magpapanggap na lamang ako na ibang tao na kailangan lang makausap si Manang. Sana lang ay si manang ang sumagot ng tawag. Kasama ko ngayon si Xinko. Hindi kasi siya umuwi sa kanila. Mas gusto niyang magpahinga muna at i-enjoy ang tanawin. Pumunta kami sa harap ng resort para tumambay. Day off naman namin ngayon kaya

