Nabalitaan ko na ngayong araw darating ang may-ari ng resort. Naka-reserve ang buong resort para sa kaniyang pamilya kaya wala rin kaming pasok. Gusto siguro nila na sila lang ang tao sa resort para walang makakaabala sa kanila. Isang linggo silang magbabakasyon dito sa resort pero nangako naman sila na buo pa rin ang sahod namin kahit walang pasok. Ang may mga pasok lamang ay ang mag-a-assist sa kanila at ang restaurant para sa pagkain nila. Ganito pala talaga sila kayaman. Pinapapunta ko ngayon sila Keiza at Xinko sa room ko. Gusto ko lang may kasama ngayon. Bawal may ibang matulog sa gabi pero pwede naman na may dumalaw sa umaga at hapon. Isa pa, dalawa naman sila at hindi naman si Xinko lang. Ang bawal ay isang babae at isang lalaki lang ang nasa kwarto. Mahigpit na ipinag babawal iy

