Kinabukasan ay nagising na lamang ako dahil sa ingay sa labas ng aking kwarto kaya agad naman akong bumangon at tiningnan kung ano ang nangyayari sa labas. Nakita ko na maraming tauhan ang nagkalat sa loob ng bahay. Ang mga gamit sa baba ay iniaakyat na nila papunta sa second floor. Kaya pala parang may kung anong kaguluhang nagaganap. Nagtataka naman ako kung bakit nila iyon ginagawa. Pinanonood ko lamang sila. Nakasubsob lang ang baba ko sa braso kong nakapatong sa guard rail. Kagigising ko lang kaya hindi ko balak tumulong sa kanila. Hindi ko rin kasi alam kung anong pakay nila at ginagawa nila iyon. Siguro ay utos ni Cleyeol o ng Mom niya. Nagpasya akong bumalik sa loob ng kwarto ko upang ayusin ang aking sarili. Pumunta ako sa banyo at nag sipilyo. Pagkatapos naman ay naghilamos ak

