Chapter 24

2217 Words

Chapter 24 Ngayon ay araw ng sabado, narito ako sa bahay nina Calix. Wala akong ibang kasama rito dahil umalis siya kanina. Ang mga magulang naman niya ay may inaasikaso raw na business. Ang mga tropa naman namin ay hindi ko macontact dahil lahat sila ay out of coverage area. Sa sandaling iyon ay gusto kong magtaka, may iba akong pakiramdam pero hindi ko lang matukoy kung ano talaga. Basta ang alam ko lang, may pinagkakaabalahan silang lahat at kung ano man 'yon, tiyak kong ayaw nilang ipaalam sa akin. Gusto kong tanungin si Calix sa t'wing uuwi siya gabi-gabi. Oo, gabi na siya kung umuwi. Ilang beses ko na siyang pinaalalahanan na huwag alis ng alis dahil kailangan niya pang magpahinga pero hindi naman siya nakikinig sa akin. Lagi lang siyang tumatango at ngumingiti sa mga sinasabi ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD