Chapter 25 Natulala ako matapos marinig ang sinabi ni Krizzy. Noong una'y akala ko nabingi lang ako, pero hindi. Akala ko rin, nagbibiro lang siya pero hindi 'yon mababakasan sa mukha niya. Totoo nga, may ugnayan silang dalawa ni Calix. Hindi ko alam kung bakit hindi nila ito nabanggit sa akin dati pa, pero paniguradong may dahilan. Hindi rin naman mukhang inilhim nila sa akin. Siguro'y nakalimutan lang o 'di kaya'y akala nila, alam ko na ang tungkol sa bagay na 'yon. Panay ang hingi sa akin ng pasensya ni Krizzy, paulit-ulit. Pero hindi naman ako nainis o nagalit manlang. Oo nagulat ako, nabigla pero hindi ako nakaramdam ng inis o kahit galit sa kanilang dalawa. Sa kabilang banda ay parang gusto ko pang matuwa kasi una palang pala ay may koneksyon na kami ni Calix, may naguugnay na sa

