Chapter 36 Ngumuso siya. "What time Mommy?" "Stop asking questions Calia, let's just wait for Dad." si Callum. Kung titignang maigi, masasabi kong mabilis ang progress ng mga bata. Sa edad nilang iyan ay nakapagsasalita na sila ng maayos, walang bulol bulol o ano. Kung magisip sila minsan ay para bang matanda na, matured na, pero may mga oras din na lumalabas ang pagiging makulit at immature, depende sa sitwasyon. Gumagaling na sila sa pagbabasa at pagsusulat, miski kapag nagsasagot sa mga word games and problems. Hindi muna kami nagsimulang kumain dahil ayaw pumayag ng mga bata. Talagang desidido sila na hintayin ang kanilang Daddy. Well, mas maganda rin naman iyon, iyong kumain ng sabay-sabay at kumpleto. "Pwede naman na tayong kumain kung talagang gutom na kayo," sabi ko. Narito

