Chapter 35 Si Calia ay lumaking kamukha ko. Siguro'y dahil magpinsan kami ng totoo niyang Daddy kaya ganoon. Well, mas okay na rin 'yon para hindi magtaka o magtanong ang ibang tao tungkol sa kanya. Ang katotohanan naman tungkol sa kanyang pagkatao at totoong mga magulang ay sasabihin din namin kapag dumating ang tamang panahon, kapag kaya na niyang intindihin ang lahat. Masyado pa kasi siyang bata para maintindihan ang mga 'yon. Si Callum naman, pinaghalong mukha namin ni Calix, pero mas lamang ang asawa ko. Ewan ko ba, sadya yatang malakas ang dugo niya kaysa sa akin. Katwiran pa nga ni Calix, mag-anak pa raw kami ng isa para naman kamukha ko, pero tumanggi ako. Ayoko na kasi, sapat na sa akin sina Callum at Calia. Isa pa, baka hindi lang namin matutukan kung may isa pa. Saka hind

