bc

INTOXICATED LOVE

book_age18+
33.8K
FOLLOW
219.3K
READ
sex
kickass heroine
independent
sweet
bxg
genius
campus
first love
naive
wild
like
intro-logo
Blurb

(INTOXICATED LOVE IS NOW AVAILABLE FOR PRE-ORDER)

Sadie Artemisia Collins is wild, loud, and flirty—a conceited playgirl. She’s a woman who’s carefree and avoids loneliness. She doesn't believe in love—or let's just say, she's afraid to give one hundred percent to people she knows won't stay by her side. She believes that all relationships and connections have a cut-off point and only last briefly.

No matter how much you hold dear and value a person or thing, like a shadow’s breath, it can disappear and fade from your hold like water dried by the wind. That's the first and biggest reason why she doesn't get into a serious relationship. Malaya silang dumating at malaya rin silang makakaalis.

In a word, she’s afraid of attachment, abandonment, and being left. That's how she was, and that's what she planned to do all her life—until she met a man whose hair and clothes looked like a reincarnation of someone ancient—Linus Rafiel Alejo. An innocent man who seemed fun to play with and an easy target to manipulate.

Will this innocent man save her from being stuck in the past? Or will they both stuck in a love that's not pure and sweet—but painfully intoxicating?

chap-preview
Free preview
INTOXICATED LOVE 01
ONE Walking like a goddess. Dewy white skin. Small pointed nose. Straight long jet black hair. Brows on point. Eye cat makeup and dark berry lipstick on my natural pouty lips. My skirt uniform is six inches above the knee. My gorgeous feet are wearing three inch black heel boots. My uniform blouse had three buttons open, revealing my smooth skin and the slit in the middle of my two meaty mountains. I grinned when I caught a glimpse of my reflection in the glass window. I really looked like a wild goddess walking in the school corridor, owning the world. Nakatingin sa akin ang lahat ng nadaraanan kong mga estudyante. Hindi ko alam kung bakit hindi sila masanay-sanay na makita ako kahit araw-araw naman ay ganito ang ayos ko. I ignored them, rolled my eyes, and walked straight to the cafeteria. Kaagad na hinanap ng mga mata ko ang mga kaibigan. Nagsisimula na silang kumain at nandoon na rin sa mesa ang madalas kong ipabili kay Cara na pagkain. Lumapit ako. Paupo pa lang ako’y sinimulan na akong kausapin ni Caleb. "May bagong transfer! Ang ganda ng chicks!" He announced as if I'd be interested in the chicks he was talking about. Natawa siya sa masamang tingin na inalay ko, sabay dala ng dalawang daliri sa ibabaw ng labi niya para gumuhit doon ng imaginary zipper. "Mas maganda sa akin?" Taas kilay na pakikisakay ko kahit hindi naman interesado. Maraming magandang babae rito, aminado ako. Pero sigurado rin akong mas malakas ang s*x appeal ko. I am confident. I won't win pageants if I'm not gorgeous and beautiful. But, well . . . nobody's perfect. I admitted long before that I am boo when it comes to academics. And one more thing, I won’t lie, I win pageants but all of them are pageant money contests. Boys plucked to spend on the ticket because I'm gorgeous. Tinitigan niya ako nang mabuti na para bang bigla siyang nahirapan na magdesisyon kung sino sa amin ng transferee ang mas maganda. Umirap ako at malakas na sinipa ang binti niya sa ilalim ng lamesa. "Aw! Why'd you kick me? It’s really hard to choose! Ang ganda kasi! Sobrang inosente ng mukha!" "Hindi ko tinatanong kung sino ang mas mukhang inosente! Ang tinatanong ko ay kung sino ang mas maganda sa aming dalawa!" Inalis ko ang masamang tingin sa kaniya at tumutok sa pinto ng canteen ang mga mata. Mayroon lalaki doon na pumasok at sa tabi nito ay babae na nagtataglay ng mahaba at itim na itim na buhok. Sandali lang na dumaan ang tingin ko sa babae dahil agaran na bumalik ang mga mata ko sa lalaki. His brown hair was on clean cut. Sa gilid ay malinis ang pagkaka-gupit, samantalang sa ibabaw na buhok ay nakaayos na parang hindi maaaring may makatakas kahit isang pirasong buhok. Ang uniporme niyang suot ay pormado't walang makikita kahit konting lukot. Napangiwi ako matapos matitigan ang lalaki. Sobrang linis niyang tingnan at maihahalintulad ko ang itsura niya sa isang bayaning binaril sa Luneta. Sayang at guwapo pa naman. Kaya lang ay napaglipasan yata ng panahon. I don't usually judge and cringe at nerdy look guys but his being old fashioned was too much. Dinaig pa niya ang mga nerds na nag-aaral dito. Pansin ko rin na nakakakuha ng sobrang atensyon ang ayos niya dahil sa pagiging makaluma. Ang ibang mga nag-uusap at kumakain ay napalingon din sa kanya. Nakapagtataka nga lang na pinamumulahan ang mga babae na para bang heartthrob ang pumasok at hindi galing time machine. I curiously stared at him because of some girl's reaction as if they were fangirling. The man sat down near our table. Bukod sa buhok niyang puno ng pomada'y wala namang maipipintas dito. Makapal ang kilay niya at matangos ang ilong. Malalim ang mga mata at mahahaba ang mga pilik-mata na mabilis mapansin lalo na sa tuwing kumukurap siya na parang nang-aakit nang hindi sinasadya. Ang panga niya ay perpekto ang pagkakahulma. Manipis ang kaniyang mapupulang labi at may pagka-moreno ang balat. Dalawang lamesa lang ang nakapagitan sa amin. Tumayo ito kasama ang babae para pumila. Pagkaraan ng ilang minuto'y bumalik sila na mayroon nang dalang pagkain. I couldn’t help but stare more. He's handsome, yes, but he also looks boring. Para sa akin ay walang dating. Bukod sa guwapo niyang mukha ay wala nang interesante pa sa kanya. He’s so plain, plainer than nerds. Not my type. "Did you see that beautiful girl, Sadie? Siya ‘yung tinutukoy ko na bagong transfer na chicks.” Sinulyapan ko si Caleb at muling ibinalik ang tingin sa babaeng pinagmamalaki niya. "Boyfriend niya siguro iyang lalaking kasama niya kasi lahat ng subject na kinuha pareho sila. Parang ayaw maghiwalay at palaging magkasama," dagdag niya pa. Isa talaga ito sa pinaka chismoso kong kaibigan. Lahat alam niya. Na pati pagkakapareho ng mga subjects ng mga bagong lipat nalaman niya. "Yummy!" Si Cara. Nakatingin siya doon sa lalaki habang nakakagat sa fries. Hindi ko tuloy sigurado kung ano ang yummy na sinasabi niya. Ang ibang mga kasama naming kaibigan sa lamesa ay tahimik lang naman. "Kaklase mo sa isang subject 'yang babae, 'di ba?" Tanong ni Caleb kay Aston. Tumango si Aston na nakatitig sa babaeng nagsisimula nang kumain. Sina Seth at Marco ay may mga sariling mundo sa isang tabi. "Is that what you called beautiful? Kailan pa lumabo ang mga mata mo, Caleb?" Tamad na tanong ko sabay naki-agaw sa fries ni Cara. "Pangit para sayo ‘yung babae? Kung gano'n, 'yung lalaki ba, guwapo?" Ngumisi si Caleb. "Hindi rin," mabilis pa sa alas kwatro kong sagot. Tumingin sila sa akin at alam ko na kaagad ang mga nasa isip nila. Nasanay kami sa mga pustahan. Minsan ay may pustang pera subalit mas madalas ay trip lang. Tripping other people just for fun. "Why don't you try him? Hindi ba’t mukhang masarap paglaruan?" Nakangising tudyo ni Cara. Akala mo'y pagkain lang ang inaalok niya. "Type ko 'yung babae na kasama niya! Ibalato mo na sa akin! Pag-awayin mo! Paglayuin mo!" Humalakhak si Caleb. Agad din naman siyang nagtaas ng dalawang kamay nang tingnan ko siya ng masama. I know he’s just kidding, but it’s no use because it already picked my interest. "Okay.” Walang ganang sagot ko at sinulyapan ang boring na lalaki. "I'll wait for him to look at me and we'll see if he can be my next victim." Natahimik silang lahat sa turan ko. Lahat kami’y napatingin sa direksyon niya maging sina Seth at Marco na walang pakialam. Kahit sino siguro'y mararamdaman ang titig namin lalo na’t anim na pares ng mga mata ang nakatingin sa kaniya. Sa paglingon niya'y saktong tumama ang mga mata niya sa akin. Para bang ako talaga ang hinanap ng mga mata niya kaya't madali kaming nagkatinginan. Tinitigan ko siya habang marahan na kinakagatan ang burger na pinabili ko kay Cara. Medyo nagulat ako sa kulay ng mga mata niya ngunit nagpatuloy ako para hindi mapahiya. His eyes are dark blue green. Parang dagat na nasisinagan ng araw. Ang haba ng mga nakapayong doon na pilikmata. Mayroon siyang cleft chin sa baba. Muntik ko nang mapigilan ang paghinga ko at mukhang ako pa yata ang maaakit niya. Those pair of eyes are insane. Nakatitig pa lang siya sa mga mata ko'y para na akong nalulunod at gustong maghabol ng hininga. Bumaba ang mga mata niya sa labi ko matapos kong kagatan ang burger. I intentionally leave a small portion of sauce on my lower lip so I can lick it. Sumunod ang tingin niya sa labi at dila ko. Pinigilan kong ngumisi nang mapansin ko ang pag-awang ng kaniyang bibig. Bingo! I think he saw my tongue piercing! Bumalik paakyat ang tingin niya sa mga mata ko at medyo nanlaki ang kaniyang mga mata. Namula ang kaniyang mukha at nagmamadaling umiwas ng tingin. Mula rito’y pansin na pansin ang paulit-ulit na paggalaw ng lalamunan niya na para bang nahihirapan siyang lumunok. Kitang kita ko ang pagtaas baba ng adams apple niya dahil nakatagilid na siya at hindi na ibinalik sa akin ang mga mata. I proudly tore my eyes off of him and smirked at my friends. Seducing him at first glance, succeeded. Napailing si Caleb at Aston. Si Cara, natawa. Si Seth at Marco, medyo dismayado, hindi pabor sa ginagawa naming pustahan. "My god! I can't believe he's that easy! You made him blush in just one eye contact!" Si Cara. Hindi na mabura sa labi ang mayabang na ngisi ko. Masyado akong nadalian. Binalikan ko muli ng tingin ang lalaki. Nagmamadali na itong kumain ngayon at mukhang pinipigilan ang sarili na mapabaling sa table namin. Ang batok at dulo ng tenga niya ay namumula na rin gaya ng kaniyang mukha. "Hey! Your eyes! I know what that look means, Sadie! Don't tell me you want him to be your next boytoy?" Caleb looked at me while he's shaking his head. Nang tahimik akong ngumisi sa kanya'y alam na niya ang sagot. I grinned at him. "You started it, Caleb."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook