"We should play truth or dare!" Sigaw ni Cara nang maburyo at makadalawang bote na kami ng beer. Si Linus at Marco, medyo nakakarami na habang may mga sariling mundo na nag-k-kwentuhan. Nang pumayag silang lahat, si Caleb ang unang nag-ikot ng bote. Tumapat kay Luna at Cara ang magkabilang dulo. Si Cara ang mag-uutos dahil nakatapat ang bibig ng bote kay Luna. "Truth or Dare?" Nakangising simula ni Cara. Napatingin si Luna sa aming lahat at nag-iisip kung ano ang pipiliin. First time niya siguro maglaro nito. "Dare na lang para mas exciting!" Suggestion ni Cara habang may nakakalokong ngiti. "Okay... Dare?" Hindi siguradong sagot niya. "Tss! Stupid!" It was Aston. Hindi ko alam kung kay Cara o kay Luna. Pero mukhang kay Luna dahil bigla itong sumimangot at tumingin ng masama sa kat

