Ang sarap sumigaw at magtatalon pagkatapak ko pa lang sa buhangin ng Siargao. Sa tagal ba naman naming hindi nakapag-planong mag-gala. Lagi lang kaming laman ng mga bar at kung anu-ano na pwedeng mapuntahan sa Manila. "Baby, careful," nasa likod ko lang si Linus at nakaalalay sa akin. Siguro dahil nag-aalala siyang nakatakong ako at hindi ko hinuhubad. Buti nga at two inches lang. Hindi ko rin nasunod na hindi ako magdadala ng heels. Heto nga't suot suot ko pa. Nakahawak lang siya sa bewang ko habang naglalakad kami. Papunta kami sa malaking bahay. I mean, mansion? Isang tingin pa lang alam ko na kaagad na hindi kami magkakakitaan sa sobrang lawak. Puti na may pagka dirty white ang kulay ng labas nito na parang gawa sa marble. Ang mga gilid ng pinto sa balkonahe ay kulay dark brown at

