Ibinalita ni Linus sa lahat ang balak niya sa bakasyon. Napasimangot naman si Caleb dahil nakaligtas daw ako sa gastos. Umupo ako mula sa pagkakahiga sa unan na nasa hita ni Linus at kumuha ng maiinom sa katapat na lamesa. "Just accept it Caleb," tamad akong nakatanaw sa kanya. Nakasandal siya sa gilid ng dart target. "Sa December iyon?" sabik na tanong ni Cara. "We have to buy new swim suit, Sadie!" Mabilis na napatingin si Linus sa akin. "You don't have to buy. Ako na ang bibili ng mga susuotin nating dalawa." "Ay! Wala akong kasama?" Lumingon si Cara kay Luna. "Ikaw nalang Luna! Samahan mo ako ha?" nakangiting tumango ang huli. Kinuha ni Marco ang gitara kay Seth at tumugtog ng familiar na kanta. "Do you know how to play a guitar?" I asked curiouly to Linus. "Yeah. Libangan iyan

