Mas napapagod ako sa nakikitang pagkataranta ni Linus sa mga activities ng mga buntis. Simula nang malaman namin na buntis ako hindi na siya natapos tapos sa pagtatanong kay Laila kung ano ang mga makakabuti sa akin. Siya rin ang nagreregister sa mga birthing class, yoga exercise for pregnant, at iba't ibang exercise para sa mga buntis. Sinasamahan niya ako sa mga aktibidad at nakaalalay sa akin. "Ang sabi ni Laila pwede mo naman akong iwan, Linus. Sa kabuwanan ko na lang saka ka na lang tumigil sa pagtatrabaho." Anim na buwan na siyang hindi nagtatrabaho. Hindi niya hinahayaan na mawala ako sa paningin niya. Kahit sa banyo, sinasamahan ako. Kulang na lang siya na ang magpakain sa akin at magpaligo. "Nagkausap na kami ni Papa tungkol diyan. Uuwi sila ng Mommy mo galing Italy. Sila muna
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


