This is the Last Chapter of IL but this is not the end. Male's Pov and Three Special Chapter will be published soon. -----Miss IYA----- "Bakit ayaw mo?" "Wala pa akong nararamdaman na pagbabago sa katawan ko, Linus. Magsasayang lang tayo ng oras." "Ilang minuto lang iyon, Sadie. Hindi naman daw matagal-" "Ayoko nga!" Kanina pa kami nagtatalo dahil sa kakulitan ni Linus. Gustong gusto niya akong magpacheck up na tinatanggihan ko mula pa kaninang pagkagising namin. "Bakit nga ayaw mo? Hindi ako pumasok para rito, Sadie. Pagbigyan mo na ako-" "Ikaw ang hindi pumasok tapos ako ang sisisihin mo?" Kunot noo at naguguluhan niya akong tinignan. Umiling siya. "Hindi kita sinisisi. Ang sinasabi ko lang, hindi ako pumasok para rito. Napag-usapan na natin ito sa bahay pa lang ni Mama, hindi

