TATLONG buwan na ang lumipas mula noong maipanganak ko si Pretzel. Nagpahinga lang ako ng dalawang buwan tapos naisip kong maghanap na rin ng trabaho. Kaya binalikan ang dati kong trabaho. Naalala ko pa iyong naging usapan namin ni Mrs. Bautista. “Kumusta ka na, iha? Ang tagal mong hindi nagpakita, ah?” nakangiting bati ni Ma’am Sherry. “Mabuti naman po, Ma’am. Medyo naging busy lang po ako. Ang totoo nga niyan, kapapanganak ko pa lang two months ago,” pagkukuwento ko. Namilog ang mata ng dati kong boss. “Talaga? Nagkaanak kayo ni PJ?” Biglang lumikot ang mga mata ko. Paano ko nga ba ipaliliwanag kay Mrs. Bautista ang nangyari? Hindi niya alam ang totoong kuwento ng buhay ko. Ayoko namang ipangalandakan ito sa publiko kaya hahayaan ko na lang siya sa paniniwala niya. Alanganing tango

