“SIRAULO, ka! Tinakot mo na nga ako tapos ganyan pa ang sasabihin mo.” Sinimangutan ko siya saka nameywang sa harapan niya. Nagkakamot ang ulong napangisi si PJ. “Sorry, sweetheart. Nakalimutan kong matatakutin ka nga pala. Hindi ko rin nasabi sa iyo na swimming at diving ang paborito kong sports bukod sa basketball at drag racing. Saka reserved officer din ako ng Philippine Marines kaya hindi ako malulunod kung sa tubig lang na ito,” nakangiting paliwanag niya. Inismiran ko lang siya. Wala akong ideya sa mga impormasyong sinabi niya dahil hindi nga naman kami nag-uusap noon tungkol sa mga personal naming buhay. Wala akong masyadong alam sa kanya maliban sa mga bagay na nakikita ko mismo. Hindi ko rin kabisado ang tungkol sa pamilyang pinagmulan niya o mga personal na impormasyon tungko

