“BAKIT ginawa mo iyon? Sa tingin mo ba makatutulong iyong ginawa mo para maging maayos ang lahat?” seryosong tanong ni Lian nang ikuwento ko sa kanya ang nangyari. “Iyong lang ang alam kong paraan upang matapos na ito. Ayoko nang magkaroon pa ng kaugnayan sa kanya at sa pamilya niya.” “Huh? Sigurado kang patatahimikin ka ng mga iyon? Sa ginawa mo, binigyan mo lang sila ng dahilan na habulin ka, eh. Ipinangalandakan mo si Pretzel sa kanila. Kaya hindi na ako magtataka kung sa mga susunod na araw, bigla na lang silang susugod dito at baka kunin pa iyang anak mo.” Umiling ako. “Hindi nila puwedeng gawin iyon. Nasa batas na ang mga batang pitong taong gulang pababa ay nasa custody ng nanay maliban na lang kung hindi karapat-dapat ang ina na mag-alaga sa kanya.” “Sa batas iyan pero puwede n

