Chapter 48 - Seeing You Again

1105 Words

“ILABAS mo ang anak ko. Nasaan siya?” muling saad ni Phoenix nang hindi pa rin ako kumilos. Lumapit pa siya sa akin at tumayo sa mismong harapan ko. Wala ng isang dipa ang layo namin sa isa’t isa. Napatitig ako nang husto sa kanya. Ang laki ng ipinagbago niya. Bukod sa malamig niyang awra, napansin kong bumagsak din ang katawan niya. Maganda pa rin naman ang pangangatawan niya pero mas payat nga lang siya ngayon kaysa sa dati. Bagaman makinis pa rin ang mukha niya, nangingitim naman ang ilalim ng mga mata niya. Gayunman, hindi nabawasan ang kaguwapuhan niya. Magandang lalaki pa rin siya kahit ang laki ng ipinagbago ng katawan niya. “Bakit hindi ka sumasagot, ha? Itinatago mo ba ang anak ko?” Pinanlisikan niya ako ng mata. Akmang hahawakan niya ako ngunit mabilis akong umatras. Binuksa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD