“TEKA LANG, ha? Kararating mo lang pero bakit ganyan na ang sinasabi mo?” gulat kong tanong. “Kung ayaw mong sumama, maiwan ka. Basta isasama ko pauwi ang anak ko,” seryosong sabi ni Phoenix. Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Galit na tumayo siya at hinugot mula sa bulsa niya ang kanyang cellphone. May tinipa muna siya bago niya itinapat sa kanyang tainga ang cellphone. Nang marinig ko ang daloy ng usapan nila, bigla akong nataranta. Nagpapasundo na siya. Tototohanin niya yata ang banta niyang iuuwi si Pretzel. Nang bumaling siya sa akin ay eksakto namang tapos nang magdede ang bata. Itinaas na naman nito ang kamay nang makita si Phoenix na palapit sa amin. Balak ko pa sanang ilayo siya ngunit napansin yata iyon ni Phoenix kaya agad naman niya itong kinuha sa akin. “Ayusin mo na

