AKO ANG unang lumabas pagbukas ng elevator. Nagmamadali kong tinalunton ang hallway at sinilip ang bawat kuwarto. Malapit na ako sa dulo nang biglang may humarang sa daanan ko. Napatingala ako sa magandang babae na nasa harapan ko. Maputi siya at mas matangkad sa akin. Medyo kulot ang dark brown at lagpas balikat niyang buhok. “Finally, here comes the villain,” walang kangiti-ngiting sabi niya. Tumaas ang kilay ko sa kanyang sinabi. “Are you talking to me?” Itinuro ko ang aking sarili. “Who else do you think I’m talking to?” Napahalukipkip siya at tinaasan din ako ng kilay. “Get out of the way, Kricel. Kailangan siya ni Phoenix.” Nilingon ko si Levi na nasa likuran ko na pala. Seryoso ang mukha niya. Nakahawak naman sa kamay niya si Missy na tahimik lang na nakatingin sa amin. “T

