“I’M GIVING you thirty minutes to pack your things. Isasama ko kayo ng anak mo sa Manila ngayon din,” utos ni Levi kahit hindi pa ako nakaka-recover sa pagkabigla. “Lalabas muna ako para tawagan ang mga pinsan ko,” dagdag pa ni Levi saka nagmamadaling tinungo ang pinto. Ipinilig ko ang aking ulo nang mawala siya sa aking paningin. Lumapit agad sa akin si papa pagtayo ko. “Sundin mo na iyong sinasabi niya habang may oras pa. Malayo pa ang biyehe ninyo pabalik ng Manila. Mauna na kayo ni Elijah. Susunod din kami agad ng mama mo.” Napatingin ako kay papa. Hindi pa gaanong malinaw ang mga alaala ko sa kanila ni mama pero napakabuti nila sa aming mag-ina. “Maraming salamat, ‘Pa,” naiiyak akong yumakap sa kanya. “Blessing in disguise rin naman kayo ni Elijah sa amin. Hindi kami naghiwala

