PANAY ang agos ng luha ko habang hinahaplos ko ang buhok ni Elijah. Kaninang hapon lang ako nakalabas ng ospital, dalawang araw pagkatapos kong magkamalay at naalala ang lahat. Siniguro pa kasi ng mga doktor na maayos ang lahat ng resulta sa mga laboratory test sa akin. Pagkakita sa akin ni Elijah, agad niya akong niyakap nang mahigpit na para bang ang tagal naming hindi nagkita. Gumana yata sa akin iyong tinatawag nilang lukso ng dugo kasi kahit hindi ko siya agad nakilala, magaan pa rin ang loob ko sa kanya. Habang tinitigan ko siya sa kanyang pagtulog unti-unting bumabalik sa akin ang mga alaala ko tungkol sa kanya. Ito ang isa sa mga bagay na kinatatakutan ni Mama Emy noong bumalik ang alaala ko. Baka daw makalimutan ko na rin ang anak ko. Noong una lang pala iyon. Pero nang maramd

