Chapter 58 - Memory Recall

2042 Words

FIVE YEARS LATER ILANG araw nang sumasakit ang ulo ko. Pero hindi ako nilalaganat. Iyong ulo ko lang talaga ang masakit. Ilang beses na rin akong uminom ng paracetamol. Panandaliang nawawala ang sakit kapag nakainom ako ng gamot. Iyon nga lang pagkaraan ng ilang oras bumabalik din ang pananakit. “Magpa-check up ka na lang, iha. Baka kung ano na iyan?” suhestiyon ni Mama Emy. “Sumama ka kay papa mo para maihatid ka niya sa doktor na dapat titingin sa iyo.” Umiling ako. “Huwag na, ‘Ma. Gagaling din ako. Baka pagod lang ito at kailangan kong ipahinga.” Pinandilatan ako ni mama. “Sinasabi ko naman kasi sa iyo na huwag mong abusuhin ang katawan mo. Uso din ang magpahinga. Mula ng maging manager ka ng vegetable farm, hindi ka na halos nagpapahinga. Ang trabaho mo lang dapat ay i-manage ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD