Chapter 54 Pag sapit ng umaga ay nagsimula na ulit si Trace na i-train si Bliss, tinuruan naman niya ito kung paano dedepensa sa mga pwedeng umatake sa kaniya sa kahit saang direksyon. Buong atensyon naman ang ibinibigay ni Bliss sa training niya pero napapansin niya na may kakaiba kay Trace sa araw na ‘to na parang may malalim itong iniisip dahil may pagkakataon na naguguluhan ito sa kung ano ang unang ituro sa kaniya. Nararamdaman ni Bliss na wala masyado ang focus ni Trace sa training nila at may pakiramdam si Bliss ay may nangyari kagabi pagkatapos nitong makausap ang ama nito. Kagabi pa niya napansin ‘yun kay Trace pero hindi nalang siya nagtanong ng mag-aya na itong matulog pero ngayon na nakikita niya parin na may gumagambala sa isipan ni Trace ay tumigil siya sa pag-ata

