Chapter 55 Dalawang araw ang lumipas matapos na matanggap nina Trace ang hamon ng Rutherson clan na tapusin na ang lahat sa pagitan nila at tatlong araw nalang ang natitira bago mangyari ang paghaharap nila. Sa dalawang araw na lumipas ay todo training ang ginawa ni Trace kay Bliss at malaki pa lalo ang improvement nito sa fighting skills. Sa dalawang araw din na lumipas ay nagiging abala din sila sa pagbuo ng mga planong pinag-iisipan nilang mabuti kasama sina Uncle Lucian at dahil naghanap ng mga kakampi ang kalaban nila ay dumating din ang mga tutulong kina Trace at isa na doon sina Ruhk at Maki. At kahit nagiging abala sila sa paghahanda ay hindi naman kinakalimutan nina Trace at Bliss ang i-enjoy ang isa’t-isa, may oras parin sila na mag-usap tungkol sa kanilang dalawa after ng

