Hindi makapaniwala si Jules sa nabalitaan. Nabangga ang sinasakyan ni Ryan na kahahatid niya lang kanina. Na-post na pa naman niya ang mga koleksiyon nito on-line. Lahat, kahit ang kakaibang cellphone raw nito na siyang naging dahilan ng magkakabulag niya ay napaayos niya at isinabay sa on-line gadgets na marami-rami na rin ang nakabili. Siguro naman, hindi magmumulto si Ryan sa mga iyon. Hindi kasi siya naniniwala roon. Matapos ma-check ang mga umoorder on-line sa kaniya, nag-inat si Jules at tinungo ang kusina. Nakakagutom pala. Naghahanap pa lang siya ng makakain, nang tumunog ang messenger niya. Dali-dali siyang bumalik at baka may order na. Mr. Yoso: meron na bang face para sa akin Naalala niya ang mukha ni dok Sandro, puwede na siguro iyon dito. Nag-reply siyang meron na. Pu
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


