Matapos ma-secure na nakasakay na ang babae sa passenger's seat, agad na lumulan sa driver's seat si Jules. Ramdam niya ang pagkalito kay Dianne pero wala siyang pakialam. Kailangan na niyang tapusin ang buhay nito! Tinanong siya ni Dianne kung paano niya nakilala ang itsura nito? Oo nga pala, iba na ang mukhang gamit nito. Nais man niyang sabihin na kilala niya ang mukhang nasa kaniya ay hindi na itinuloy ni Jules. Magtataka lang naman ito kung paano niya nalaman, mabulilyaso pa ang plano niyang pagbawi sa mukha nito. Ngumisi na lang siya at sinabing sa dami ng selfies nito ng bagong mukha, imposibleng di niya ito makilala. Hindi eksaktong kamukha nito si Sheryl dahil iba ang korte ng ilong at labi nito. Kung tutuusin, mas maganda pa nga siya kesa kay Sheryl. Sinabayan niya pa iyon n

