Makalipas ang limang araw... Bumalik na si Dianne sa clinic ni Doktor Sandro at nagsimula nang mamili ng kaniyang mukha. Tatanggalin niya ang buong mukha ni Dianne at papalitan ng bago. Kita ang pagbagsak ng katawan ni Dianne dahil hindi na siya makakain ng maayos. Tinitiis niya ang amoy at lasa ng pagkain para lang magkalaman ang kaniyang tiyan. Tinanong niya si Dok Sandro at natural lang daw iyon at mawawala rin. Naninibago raw kasi siya sa bagong ilong at labi. Naniwala si Dianne. At ilang araw din ay mawawala na rin iyon. Prenteng nakahiga si Dianne sa operating bed at inihanda ang sarili para sa gagawing operasyon. Kaiinom niya lang ng sleeping pills na limang oras ang epekto. Ayon naman kay Dok Sandro, kahit wala pang kapalit ang mukhang ilalagay sa kaniya, basta ba papalitan niy

