Limang araw ang nakakaraan... "Hindi ako makakapayag," madiin na saad ni Ryan bago tumungga sa kaniyang bote. Nagkibit-balikat naman ang dalawa bago itinabi ni Drake ang hawak na tableta. Sinaid ni Ryan ang laman ng sariling bote bago tumayo. "Ubusin na lang natin ang lima pang bote at puwede na kayong umuwi. May pasok pa ako bukas." Dumiretso siya sa banyo at umihi. "Ilang araw ba bago niya maalala ang lahat?" Pabulong na tanong ni Noah kay Drake habang nilalagyan ng drugs ang alak ng bagong bukas na bote. "Lima." Marahan na inalog-alog nito ang bote para madaling matunaw iyon bago pinalitan ang boteng walang laman sa lamesa. Eksaktong inilalapag ni Drake sa case ang boteng walang laman ng dumating si Ryan. "O, sa 'yo na 'yang huling bote. Tapos sibat na rin kami." Iniabot pa ni Noah

