Kasalukuyan na nasa kusina si Lyka habang tumutulong sa mga yaya na maghanda ng media noche para mamayang gabi sa pagsalubong ng bagong taon. Hinahanda lang nila ang mga ulam dahil mamaya pa iluluto ang special na handa na palaging hinahanda ng pamilya ni Paul. Mayamaya lang ay bumaba si Paul at nakita si Lyka na nasa kusina. Nakatalikod ang dalaga at abalang-abala sa ginagawa kaya nais ni Paul na gulatin ito. "Lyka!" pagtawag nito sa pangalan ng dalaga habang nakangiti. "Oh? Kagulat ka naman. Bakit? May kailangan ka ba sa akin?" gulat na tanong ni Lyka sa binata nang bigla na lang itong sumulpot sa kaniyang likuran. Inagaw ni Paul ang paghihiwa na ginagawa ni Lyka bago magsalita kaya naghanap ng ibang gagawin si Lyka para hindi siya tumunganga. "Kanina pa kita hinahanap sa kuwarto mo

