Bumalik sa ordinaryong araw ang buhay ni David. Masiyado siyang abala sa paghahanda ng exam at pagsa-submit ng mga grades ng kaniyang estudyante. Ngunit, kahit gaano pa siya ka-busy ay palagi niya pa ring iniisip si Eve kung kaya madalas din silang magtawagan at magpadala ng mensahe sa isa't isa. Minsan pinupuntahan niya ito sa boarding house para dalhan ng pagkain. Minsan naman ay wala silang pag-uusap dahil busy din si Eve sa kaniyang pag-aaral. Nasa faculty ngayon si David habang nagtitipa sa kaniyang laptop nang may marinig siyang humila ng isang upuan at may tumabi sa kaniya. Napatigil siya sandali para sulyapan kung sino ito. Nakita niya si Charlotte na naka-upo habang nakatingin sa kaniyang laptop bago tingnan si David sa mga mata. "Bakit ka nandito?" Seryoso habang naka-kunot an

