Chapter 60

1488 Words

Matapos magligpit at maghugas ng pinggan si David ay nagpasya na siyang umakyat sa kaniyang kuwarto para doon na lamang hintayin si Eve. Gusto niya sanang pumunta sa kuwarto ng kaniyang mga magulang para makinig sa usapan nila pero nais niyang respetuhin ang sinabi sa kaniya ni Eve na kaya na nito magpaliwanag nang mag-isa. Halos tatlong oras na siyang naghihintay habang nakahiga sa kama ngunit hindi pa rin dumarating ang dalaga. Napa-isip tuloy siya kung ano na ang nangyari at ano ang naging takbo ng pag-uusap ng mga ito. Medyo kinabahan siya at nag-alala nang husto para sa dalaga. Naisip niya lang na baka pinagalitan at hindi matanggap ng kaniyang mga magulang ang dalaga. Napabangon siya bigla nang dahan-dahang bumubukas ang pinto ng kaniyang kuwarto. Nakabukas pa ang kaniyang ilaw kay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD