Habang kumakain ay tahimik lamang silang dalawa. Nagluto ng tinolang manok si Paul kaya naman sarap na sarap si Lyka sa pagkain. Nakikita naman ni Paul na nai-enjoy ng dalaga ang luto niya kaya pasimple siyang ngumingiti dahil sa reaksiyon ng dalaga. "Kumusta? Masarap ba?" tanong ni Paul sa dalaga. Hindi niya na natiis pa dahil hindi niya gusto ang pagiging tahimik kapag sila lang dalawa. Hindi niya na rin kasi ma-itanggi sa kaniyang sarili na may nararamdaman na siya para sa dalaga. Hindi niya nga lang alam kung papaano aaminin ito kay Lyka dahil wala naman siyang kaalam-alam sa mga gano'ng bagay. "Ha? M-Masarap, sobra!" sagot ni Lyka na hindi makatingin ng diretso kay Paul. "Oo nga pala. Alam kong pagod ka na sa paglilinis kaya ako na lang ang maghuhugas ng mga pinag-kainan," sabi ni

