Chapter 73

2044 Words

Matapos sabihin iyon ng Mama Mariz nila ay parang naging slow motion ang kaniyang paligid. Dahan-dahang nadulas ang cellphone ni David mula sa pagkakahawak ni Eve. Mabuti na lamang at sa hita niya lang ito bumagsak at hindi sa lupa. Nag-unahan na rin sa pag-agos ang kaniyang mga luha. Hindi niya matanggap sa sarili ang kaniyang narinig. Hindi siya makapaniwala na ang taong naging mabuti sa kaniya at tinuring siya na parang isang tunay na rin na anak ay wala na. Ang bilis! Parang kailan lang ay masaya pa sila na nakakasama ito ngunit ngayon? Tuluyan na silang iniwan at lumisan ng mundo. Lumingon siya kay David. Hindi niya inaasahan ang ganitong itsura ni David. Para itong bata habang nakayuko at umiiyak. Mabilis niyang pinunasan ang kaniyang mga luha at kinuha ang cellphone para balikan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD