Chapter 72

1164 Words

Maagang nagising si Eve para sa kaniyang training sa trabaho. Pagod man at saka puyat ay hindi niya iyon pinansin. Mas mahalaga na makapunta siya ngayong araw sa training kaysa humilata at magpahinga lang sa tinutuluyan. Tagumpay naman niyang natapos ang kaniyang training ngunit medyo masama ang kaniyang pakiramdam. Pauwi na siya ngayon at laking gulat niya dahil sa paglabas niya ay nakita niya si David na nakatayo roon at naghihintay sa kaniya. Nang mapansin nito ang kaniyang presensiya ay nilingon siya nito at saka nginitian nang pagkatamis-tamis. "Hi, Eve!" pagbati nito sa dalaga. Hindi na napigilan pa ni Eve ang kaniyang sarili dahil sinunggaban niya kaagad ng mahigpit na yakap si David habang tinatago ang mga luha niyang bigla-bigla na lang bumuhos dahil sa lungkot. Nagi-guilty si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD