"Mukhang asensado na ang anak ko, ah?" nakangising sabi ng Tatay ni Eve sa kaniya. Dumilim ang aura ni Eve at saka puwersahang kumalas sa pagkakahawak sa kaniya ng ama. "Hindi mo ako, anak! At kahit kailan hindi mo ako tinuring na anak! Ano ba at nandito ka? Bakit mo ako sinusundan?" singhal ni Eve sa Ama. Dumapo nang malakas ang kanang palad ng Ama sa kaliwang pisngi ni Eve. Hindi niya iyon inaasahan kaya hindi kaagad siya nakapag-react habang hawak-hawak ang nag-iinit niyang pisngi dahil sa hapdi dulot ng sampal. "Ang kapal naman ng mukha mong babae ka! Lumayas ka nang walang paalam sa bahay at nagtrabaho sa bar. Tapos ngayon nakapagtapos ka at may nobyo?" Napahalakhak na sabi ng Ama na may bahid ng gakit sa tono ng boses nito. Hindi manlang ito natinag sa ginawang pagsampal sa sarili

