Naramdaman ni David ang kaniyang pagkabalisa dahil sa biglaang pagtanggal niya ng magkahawak nilang kamay kaya tinanong siya nito. "Namumutla ka, Eve. Ayos ka lang ba?" Hinawakan pa siya ni David sa noo kaya nilingon niya ito para sagutin. Walang nakakarinig sa kanila dahil abala ang mga kasama nila sa lamesa sa pag-uusap. "A-Ayos l-lang ako. Napagod lang ngayong araw," nauutal na sabi ni Eve habang pinagpapawisan siya ng malamig. "Sige, ihatid muna natin sila Mama bago tayo sabay na umuwi sa boarding house," sabi ni David at saka nag-aya nang umuwi sa mga kasama nila. Napalingon ulit si Eve sa labas ngunit hindi niya na nakita ang lalaking iyon. Gusto niyang sabihin sa kaniyang sarili na isa lang iyong guni-guni ngunit sa loob-loob niya ay alam niyang nagtama ang mga paningin nilang da

