Matapos ang celebration ng birthday ni Eve ay naging busy na ang lahat. Lumipas ang dalawang buwan at graduation day na ngayon ni Eve. Pasok siya sa c*m laude at marami rin siyang natanggap na honor na hindi niya inaasahan. Ang nasa isip niya lang noon ay mag-comply, mag-aral at magtapos ng pag-aaral ngunit hindi niya lubos na maisip na may mararating pala ang kasipagan niyang iyon. Siya lang ang mag-isa ngayon na um-attend ng kaniyang last graduation sa buong buhay niya. Nakakalungkot man isipin ngunit wala naman na siyang magagawa. May event din ngayon sa school nila David kasabayan ng graduation day niya ngayon. Sina Lyka at Paul naman ay nasa out of town kasama ang mga pamilya nila. Inaasahan na ito noon ni Eve na siya lang ang mag-isa na tatayo sa stage habang guma-graduate. Pero,

