"W-Wait!" Hindi alam ni Eve ang kaniyang sasabihin habang pinagmamasdan ang mga kaibigan. "Happy birthday, Eve!" bati pa ng mga ito sa kaniya. Hindi na napigilan pa ni Eve ang mga luha niyang nag-uunahan sa pag-agos dahil sa tuwa. Hindi siya nag-expect nang kahit na ano at wala rin siyang pakialam kung makalimutan ang birthday niya. Pero, ang araw na ito. Ito na yata ang pinaka-masaya niyang kaarawan. "Why are you crying? Hindi mo ba nagustuhan ang pa-surprise namin?" tanong ni Charlotte na lumapit sa kanila. Pinunasan muna ni Eve ang kaniyang mga luha gamit ang panyo na inabot sa kaniya ni David. "Hindi naman. Never akong nag-expect nang ganito sa birthday ko kaya sobra niyo akong na-surprise," nakangiting sabi ni Eve kaya napangiti na rin ang lahat. "Yes! Success!" masayang sabi ni

