Chapter 67

1112 Words

Kinabukasan, magaling na si David at ngayon ay nag-aasikaso na si Eve para umuwi sa kaniyang boarding house. "Salamat, ah? Kung hindi dahil sa 'yo 'di ako gagaling kaagad," nakangiting sabi ni David kay Eve. Nakaupo ito habang nagkakape at pinapanuod ang dalaga. "Ayos lang. Mabuti naman at okay ka na," sagot naman ni Eve at nang matapos niyang ayusin ang mga gamit sa backpack ay sinuot niya na ito sa kaniyang likuran. "Alis na ako. Ingatan mo sarili mo. Iwasan mo ang maging sakitin," paalam ni Eve kay David. Lalabas na sana siya ng pinto ngunit pinigilan siya ni David sa pamamagitan nang paghawak nito sa kaniyang braso. "Ano?" tanong ni Eve habang nakataas ang isang kilay. "Aalis ka na ba talaga? Hindi ba puwedeng mag-stay ka muna at samahan ako?" malungkot ang tono na sabi ni David.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD