Chapter 66

1326 Words

Naalimpungatan si Eve nang may maramdaman siyang isang mainit na katawan ang nakayakap sa kaniya. Pagmulat niya ng mga mata ay si David kaagad ang kaniyang nakita. Mahimbing na itong natutulog sa kaniyang tabi. Tinanggal niya ang pagkakayakap sa kaniya ng binata at muli itong kinapa sa noo. Medyo mainit pa ito pero hindi na katulad kanina na mapapaso siya tuwing hahawakan niya ang binata. Bumangon si Eve at muling naghanda ng pamunas kay David. Alas siyete na ng gabi at napasarap ang tulog niya kaya nakalimutan niya rin iluto ang sopas na kaniyang binili kanina lang bago bumalik dito sa boarding house ni David. Matapos maghanda ng bagong bimpo at palanggana na may lamang malamig na tubig ay lumapit na siya kay David para simulan itong punasan. Hindi niya naramdaman na tumabi pala sa ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD