Alas nuwebe na nang umaga nagising si Eve dahil sa pagod at puyat. Medyo nananakit pa ang kaniyang katawan dahil sa pagsayaw at nananakit din ang kaniyang lalamunan dahil naman sa pagsigaw. Bumangon at nag-asikaso na si Eve. Gusto niyang bisitahin si David para kumustahin ito dahil nalasing ito kagabi. Naligo lang si Eve at nagbihis. Hindi na siya kumain pa dahil gusto niyang makasabay si David sa pagkain. Matapos mag-asikaso ay nagtungo na siya sa kabilang boarding house kung saan tumutuloy si David. Mabuti na lamang at pinapasok kaagad siya roon nang banggitin niya si David dahil wala ang may ari. Pagbukas niya ng pinto. Nakita niya si David na mahimbing pa ring natutulog. Hindi na niya naalalayan ito kaninang madaling araw pauwi dito dahil tumanggi ito at ang sabi niya ay kaya pa ni

