Chapter 64

1715 Words

Lumipas ang mga araw na busy ang lahat. February one na at iyon na ang huling araw ni Enver sa kanilang boarding house. "Pre, see you na lang later. Nasabi ko naman na ang address ng restaurant bar, 'di ba?" wika ni Enver habang nagliligpit ng gamit. Nag-half day lang ito sa trabaho para mahakot na ang mga gamit niya sa boarding house palipat sa bahay ni Charlotte. Sina David at Charlotte naman ay sabay na susunduin si Eve kasama sina Paul at Lyka. Mauuna si Enver mamaya sa napag-usapang restaurant bar. "Oo, sabi ni Paul sunduin daw kaming tatlo ng kotse niya," pagtugon ni David sa kaibigan. Inaya din nila ito dahil naging malapit na kaibigan na rin nila ang dalawa. Lalong-lalo na kay Eve. "Sige! Sila Shaun mauuna na rin pero sasaglit lang dahil may pasok daw sila ng 9:00 pm," sabi ni E

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD