“WALA NGA talaga iyon,” kanina Pa ako kinukulit ni Teofelo. “Sabihin mo na, kung ano ang nais mong itanong sa aking ama? Hindi ko naman ito ipapaabot sa aking mga magulang,”pangungulit ni Teofelo. “Sabihin mo na kung ano ang ipinakita sayo ni Mirasol the bruha. Maybe Teofelo can help you,” ani Devine sa loob ng katawan ko. “Hindi mo talaga sasabihin sa mga magulang mo?” paninigurado ko. Hindi naman sa natatakot ako sa mga magulang ni Teofelo, ang sa akin lang naman kasi ayokong gumawa ng isang bagay na alam kong magiging issue bandang huli. Tapos magulang pa ni Teofelo ang issue dito. “Hindi ko sasabihin kung alam ko namang wala lang naman ang bagay na ito,” sabi ni Teofelo. Pinanghabaan ko siya nang nguso, dapat inasahan ko na ito. Kasi alam ko naman na matinong lalaki si T

