NAKATITIG ako kay Teofelo na nasa labas ng bahay namin. Kanina pa siya doon pero hindi ko siya nilalabas. Hindi sa ayoko siyang makita, God knows how much I want to be with him right now. Pero pinipili kong hindi ko muna makausap si Teofelo. Right now kailangan ko munang mag-isip nang kung ano ang dapat kong gawin. Nang dapat kong gawing desisyon, my mind was distracted when I’m with Teofelo. And that is not good for both of us, kailangan ko nang magdesisyon sa lalong madaling panahon. I’m running out of time, buong akala ko na kapag si Teofelo ang pinili ko mananatili lang sa katawan ko si Devine. Pero mali ako, unti-unti nang nanghihina ang itim na libro sa katawan ko. Ramdam ko iyon habang tumatagal na nasa katawan ko si Devine. Hindi ko man gamitin ang itim na libro alam kon

